Salamat sa paglalaan ng oras para basahin ang Pahayag sa Pagkapribado na ito. Nag-aalok ito ng malalim na pangkalahatang-ideya sa mga paraan kung paanong ang Bitcoin Profit, bilang Kolektor ng Datos, ay nangongolekta ng datos mula sa mga user nito, ang mga saligan para gawin ito, ang mga paraan kung paano namin ginagamit ang iyong datos at ng iba pang mga Prosesor ng Datos, kung paanong sumusunod ang aming koleksyon ng datos sa mga batas sa pagprotekta sa datos, at kung ano ang iyong mga karapatang may kinalaman sa proteksyon ng iyong Personal na Datos.
Sa Bitcoin Profit, isang sukdulang priyoridad hanggat maaari ang pagpapanatili ng impormasyon ng aming mga user na ligtas. Kahit na nangongolekta kami ng datos bilang bahagi ng aming mga operasyon, tinitiyak naming sumusunod ito sa mga tuntunin at regulasyon tungkol sa proteksyon ng datos. Nangongolekta lang kami ng minimum na dami ng impormasyon tungkol sa aming mga gumagamit na kinakailangan para sa paggana ng aming website at para sa katuparan ng aming mga serbisyo. Kinukuha namin ang lahat ng Personal na Datos sa hayagan at may kabatirang pahintulot ng gumagamit.
Itinuturing at pinahahalagahan ng Bitcoin Profit ang pagiging pribado ng lahat ng gumagamit. Kaya para sa amin, mahalagang tukuyin ang iyong mga isyu sa pribasiya. Pakitandaan na ang Bitcoin Profit ay maaaring gumawa ng mga pagbabago sa Pahayag na ito nang walang paunang abiso.
Ang Bitcoin Profit ay maaaring gumamit ng mga salita tulad ng "kami", "namin," o "amin" sa mga bahagi ng Pahayag na ito para tukuyin ang sarili nito, pati na ang mga terminong gaya ng "website na ito" o "site na ito." Mangyaring tandaan na ang mga terminong ito ay kumakatawan sa Bitcoin Profit.
Sa katulad na paraan, aming tutukuyin ang mga gumagamit sa pamamagitan ng mga ikalawang panghalip panao at mga termino gaya ng "kliyente", "user/gumagamit", "bisita sa site", o "customer."
Habang binabasa mo ang Pahayag na ito, maaari kang makatagpo ng legal na mga termino, gaya ng "Kolektor ng Datos" o "Personal na Datos." Ang gayong mga termino ay dapat maunawaan ayon sa sumusunod na mga kahulugan:
Kontroler ng Datos: Ang tao, kumpanya, o ibang legal na entidad na may legal na responsibilidad na tukuyin kung anong datos ang kinokolekta tungkol sa mga gumagamit ng isang website, paano, sino ang nagpoproseso sa datos na ito at para sa kung anong layunin ang ginagamit nito. Sa kasalukuyang kalagayan, ang Bitcoin Profit ay nagsisilbing Kolektor ng Datos.
Prosesor ng Datos: Isang hiwalay na entidad na awtorisado ng Kontroler ng Datos para maproseso ang Personal na Datos ng gumagamit. Ang Maramihang Mga Prosesor ng Datos ay maaaring gamitin ng parehong Kolektor ng Datos.
Personal na Datos: Ang Personal na Datos ay kumakatawan sa mga pangalan, email, tirahan at iba pang personal na impormasyong naka-link sa isang indibidwal, na maaaring gamitin para legal na makilala ang isang natural na tao. Ang isang likas na tao ay isang pisikal na maaaring makilala ayon sa batas, tuwiran man o hindi, sa pamamagitan ng natatanging mga salik sa pagkakakilanlan gaya ng pangalan, address (kapuwa pisikal at elektroniko), mga litrato, audio at video recording, mga porma ng pagkakakilanlan na inisyu ng pamahalaan, mga dokumento mula sa bangko, at marami pang iba. Ang kahulugang ito ay kasuwato sa Art.4(1) ng GDPR.
Upang matupad ang mga serbisyo nito, kinakailangan ng Bitcoin Profit ang pagkolekta ng ilang Personal na Datos mula sa mga user nito, na kung wala nito ay imposibleng matugunan namin ang aming mga obligasyong kontraktwal. Lahat ng datos ay nakuha na may pahintulot ng gumagamit sa isa o iba pang mga sumusunod na mga paraan:
(a) Impormasyong ibinibigay mo sa amin may pahintulot mo: Kasama dito ang anumang impormasyong ibinibigay mo na may ganap na pahintulot mo kapag binisita mo ang aming website. Halimbawa, kung gusto mong magparehistro bilang bagong gumagamit, humihingi kami ng ilang personal na detalye. Kapag ibinigay mo ang mga ito sa amin, malalagay ang iyong datos sa kategoryang ito.
(b) Impormasyong nakukuha namin kapag kinontak mo kami: Kung makikipag-ugnayan ka sa amin, maaari kaming mangolekta ng mga impormasyon tungkol sa iyo, gaya ng iyong pangalan o address, para makatugon sa iyong hiling, at mapanatili ang isang tala ng aming pakikipag-ugnayan sa iyo. Ito ay upang matiyak na bibigyan ka namin ng isang mabisa at mahusay na resolusyon. Bukod pa rito, makatutulong din ang koleksyon ng datos sa kasong ito para mapahusay ang aming serbisyo sa customer.
(c) Impormasyong nakuha mula sa paggamit sa website ng Bitcoin Profit: Ito ang impormasyong kinokolekta namin kapag ginagamit mo ang aming website. Sa tulong ng Google Analytics at iba pang mga uri ng cookie, maaari kaming makakolekta ng datos na nauugnay sa paggamit mo ng website ng Bitcoin Profit at ang pagganap ng aming web page. Maaaring kasama sa mga datos na nakolekta sa ganitong paraan ang mga pahinang binisita ng gumagamit, oras na ginugol, at iba pang impormasyon ng pag-uugali. Ang mga datos na natipon sa ganitong paraan ay gagamitin lamang nang sama-sama upang pag-aralan ang mga grupo ng gumagamit at hindi gagamitin upang kilalanin ka at ang iyong mga kinaugalian nang tuwiran.
Kinokolekta lamang ng Bitcoin Profit ang halaga ng Personal na Datos na mahalaga sa pag-andar ng aming website at ang aming kakayahan na mag-alok ng mga naanunsiyong serbisyo sa iyo, alalaong baga, ang pagkonekta sa iyo sa isang financial broker. Isa pa, nangongolekta rin kami ng ilang datos para pag-aralan ang pagganap ng aming website at magplano ng higit pang mga pagbabago dito, ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng aming mga customer. Ang kabuuan ng aming mga pamamaraan ng pagkolekta ng datos ay nakatugma sa lahat ng mga naaangkop na legal na balangkas na may kinalaman sa pagprotekta sa datos, kabilang ang GDPR at mga katulad na batas sa iba pang mga rehiyon kung saan tumatakbo ang Bitcoin Profit.
Umaasa ang Bitcoin Profit sa apat na pangunahing aspeto ng GDPR para sa pagbibigay-katwiran sa koleksyon at pagpoproseso ng datos:
Pahintulot: Dito, pinahintulutan mo kaming gamitin ang iyong Personal na Datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong hayagang pahintulot.
Interes: Nalalapat ito kapag kinonekta namin at ginamit ang iyong Personal na Datos para sa paghahanap ng lehitimong interes na maipapakita ng Bitcoin Profit na hindi lumalabag sa iyong mga karapatan sa proteksyon ng datos.
Legal na pagsunod: Dito, kinokolekta at ginagamit namin ang iyong Personal Datos kasuwato ng aming Mga Tuntunin at Kundisyon, pati na rin ang mga batas sa pagprotekta sa datos sa European Union at sa iba pang mga rehiyon kung saan kami nagpapatakbo.
Pagganap ng Kontrata: Dito, kinokolekta at ginagamit namin ang iyong Personal na Datos para tuparin ang isang kontrata sa iyo, halimbawa, para magbukas ng isang account para sa iyo o tumugon sa isang tanong na isinumite sa pamamagitan ng aming Contact form.
Gaya ng nakasaad sa maraming bahagi sa aming website, ang Bitcoin Profit ay hindi isang plataporma sa pangangalakal o brokerage. Dahil dito, hindi namin pinapanatili ang iyong datos. Sa halip, kinokolekta namin ang iyong datos at inililipat ito sa aming mga partner-broker, gamit ang iyong may-kabatirang pahintulot, na malaya mong maibibigay kapag nagrehistro ka ng isang Bitcoin Profit account. Ang mga third-party broker kung saan iniuugnay namin ang aming mga kliyente ay naglilingkod bilang mga Prosesor ng Datos at responsable sa pagpoproseso at pagpapanatili ng iyong Personal na Datos.
Maliban sa pagkonekta sa mga customer sa aming mga kasosyong affiliate broker, maaaring gamitin ng Bitcoin Profit ang iyong Personal na Datos para sa ilang kadahilanan:
(a) Pagpaparehistro at pakikipag-ugnayan ng gumagamit: Kapag nagrehistro ka sa amin, maaari naming gamitin ang ibinigay mong datos para ipaalam sa iyo ang tungkol sa mga update o importanteng impormasyon na maaaring kailangan mo. Ito ay para matiyak na sumusunod kami sa kontratang pinasok mo kasama namin at para magbigay rin sa iyo ng sapat na suporta sa customer.
(b) Para sa Promosyon ng Bitcoin Profit: Paminsan-minsan at sa iyong pahintulot, maaari naming ipaalam sa iyo ang ilang promotional na mga alok na maaaring interesado ka.
(c) Kaligtasan ng Gumagamit, Pinahusay na Karanasan at Website: Dagdag pa rito, kailangan naming kunin at iproseso ang ilan sa iyong datos sa layuning masiguro na intact ang iyong kaligtasan kapag ginagamit mo ang website ng Bitcoin Profit. Isa pa, mapapamahalaan namin nang mabisa ang seguridad ng aming website, maa-update ang mga tampok at nilalaman nito, at mapapabuti ang iyong pangkalahatang karanasan sa paggamit nito.
Ang mga cookie ay mga file na nalilikha kapag bumibisita o gumagamit ka ng website. Pinapayagan ng mga cookie ang isang website na kilalanin ang iyong device at tumulong na mapabuti ang iyong karanasan bilang gumagamit sa website.
Gumagamit ang Bitcoin Profit ng iba’t ibang uri ng cookies. Narito ang tatlong uri na makikita mo sa aming website:
(a) Functional na mga cookie: Ang ganitong uri ng cookie ay tumitiyak sa probisyon ng ilang mahahalagang serbisyo, gaya ng kakayahang mag-save ng mga detalye sa pag-login, paggamit ng auto-fill kapag magpapasok ng impormasyon sa aming website, at iba pa. Bukod diyan, tinutulungan kami ng mga ito na malaman kung gaano kabisa ang navigation sa website at ipinapaalam kung dapat naming pahusayin ang ilang tampok o palawakin ang aming teknolohiya.
(b) Google Analytics: Tinutulungan kami ng mga cookie ng Google Analytics na matukoy ang mga engagement at pagkilos ng gumagamit sa aming website para sukatin ang pagganap nito. Nagbibigay ito sa amin ng mga pananaw sa koleksyon ng datos, paggamit ng website, at kasiyahan ng gumagamit. Gayunpaman, tanging ang Bitcoin Profit ang makakagamit ng iyong datos, dahil mayroon kaming kasunduan na pumipigil sa Google na gamitin ito para sa sarili nitong mga layunin.
(c) Mga third party cookie: Ang Bitcoin Profit ay naglalaman ng ilang affiliate link sa mga produkto at serbisyo mula sa aming mga kasosyo. Kaya gumagamit kami ng mga third-party cookie para masubaybayan ang aktibidad ng mga gumagamit sa website.
Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa kung paano ginagamit ng Bitcoin Profit ang mga cookie at kung paano mo pwedeng huwag paganahin ang mga ito sa aming detalyadong Patakaran sa Cookie. Tandaan na maaaring negatibong makaapekto sa iyong karanasan sa pagba-browse sa website ang pagtanggi sa mga cookie.
Gaya ng nabanggit kanina, hindi itinatago ng Bitcoin Profit ang iyong Personal na Datos. Gayunpaman, maaari naming ilipat ang iyong datos sa mga third party na kasosyo na humihiling ng iyong datos, na alam mo at mayroon ng iyong malayang-ibinigay na pahintulot. Tandaan na gagawin namin ang lahat para ma-secure ang iyong datos at maprotektahan ka mula sa anumang breach habang ginagamit ang aming website.
Kapag inilipat namin ang iyong Personal na Datos sa aming mga kasosyong third party, maisasakatuparan ito alinsunod sa pinakabago at legal na mga tuntunin sa pagproseso ng datos. Gayundin, hindi ibabahagi ng aming mga kasosyong third party ang iyong mga detalye sa mga hindi awtorisadong partido nang wala ang iyong pahintulot.
Gayunpaman, hinihimok ka naming maingat na basahin ang impormasyon sa website ng third-party broker at suriin ang Patakaran sa Pagkapribado ng kumpanya upang alamin kung paano pangangasiwaan ang iyong Personal na Datos.
Tinitiyak ng Bitcoin Profit na ang iyong datos ay protektado sa pamamagitan ng pag-secure sa website nito ayon sa mga teknikal na pamantayan ng kaligtasan para sa mga website. Tandaan na hindi namin gagawing bukas sa publiko ang iyong datos. Magiging available lang ito sa minimum na bilang ng staff na kinakailangan sa loob ng Bitcoin Profit (na nasa ilalim ng mga non-disclosure agreement) para tuparin ang aming mga serbisyo at mga third-party na service provider, gaya ng kumpanyang nagho-host sa aming website at sa brokerage kung saan ka iniuugnay ng aming platform, o iba pang mga Prosesor ng Datos na ang serbisyo ay kinakailangan at sumusunod sa Pahayag sa Pagkapribado na ito at lahat ng kaugnay na batas sa proteksyon sa datos. Ang lahat ng gayong pagbabahagi ng Personal na Datos ay gagawin pagkatapos mong maibigay ang iyong pahintulot.
Karagdagan pa, ilan sa nakolektang Personal na Datos mo ay maaari naming gawing available sa pamahalaan o sa mga awtoridad na nagtataguyod ng batas kung kinakailangan. Kung makakatanggap kami ng mga kahilingan na makipagtulungan sa mga awtoridad, magsasagawa kami ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang legalidad ng hiling at kung ang kahilingan para sa aming pagsunod ay mas matimbang kaysa sa iyong mga karapatan at kalayaan ayon sa itinakda sa naaangkop na batas sa pagprotekta sa datos. Isa pa, ipagbibigay-alam namin sa iyo ang kahilingan ng isang third party upang ma-akses ang iyong datos at kuhanin ang iyong pahintulot, kung kinakailangan ang pahintulot sa partikular na sitwasyon.
Hindi papanatilihin ng Bitcoin Profit ang iyong datos nang mas matagal kaysa sa kinakailangan. Ang pangunahing layunin ng pagkuha ng iyong datos ay para matiyak na maa-akses mo ang mga produkto at serbisyong pinapayagan mong gamitin. Kapag nakonekta ka na namin sa isa sa aming mga kasosyong broker, kung hiniling mo na ang serbisyong iyon, ipadadala namin ang iyong datos sa kanila at hindi itatabi ang anuman sa aming mga server.
Bilang isang user ng Bitcoin Profit, mayroon kang ilang personal na mga karapatan sa datos na ginagarantiya ng batas ng GDPR ayon sa isinasaad ng European Union (EU). Gayunman, tandaan na ang ilan sa mga karapatang ito ay kapit lamang sa partikular na mga kalagayan kapag ginagamit mo ang website ng Bitcoin Profit, kaya maging pamilyar sa mga ito.
(a) Akses ng paksa: Nagbibigay ang karapatang ito ng pahintulot sa mga user na humiling ng kopya ng Personal na Datos na nakolekta tungkol sa kanila ng Bitcoin Profit website.
(b) Pagsususog sa Datos: Ang karapatang ito ay nagbibigay sa user ng pahintulot na hilingin sa Kolektor ng Datos na isaayos ang kanilang personal na impormasyon kung sa tingin ng gumagamit ay hindi na ito wasto at kailangan nang i-update.
(c) Pagkansela ng datos: Maaaring hilingin ng mga user ng Bitcoin Profit na ganap na tanggalin sa platform ang kanilang Personal na Datos, yuon ay kung tupdin ng mga user ang ilang mga tuntunin at kundisyon. Dahil hindi itinatago ng Bitcoin Profit ang mga datos ng user, kami ay nakikipag-ugnayan sa aming mga kasosyo upang isagawa ang prosesong ito, dahil sila ang Prosesor ng Datos na nangangasiwa sa pagpapanatili at paghawak sa iyong Personal Datos.
(d) Paglilipat ng datos: Bilang isang gumagamit sa Bitcoin Profit, maaari mong hilingin na ilipat ang iyong datos sa isa pang third party. Gayunman, pansinin na hindi kami mananagot sa kalalabasan ng hakbang na ito.
(e) Mga Reklamo: May karapatan ang mga gumagamit ng site na magbukas ng isyu o reklamo kaugnay ng aming paggamit ng kanilang Personal na Datos sa naaangkop na awtoridad sa kanilang bansang tinitirhan.
(f) Paghihigpit sa datos: Maaaring hilingin ng lahat ng gumagamit ng site na higpitan ng Kolektor ng Datos ang pag-akses sa ilan o sa lahat ng kanilang Personal na Datos sa ilang pagkakataon, halimbawa, sa panahon ng isang nagpapatuloy na reklamo tungkol sa pagproseso ng datos.
Pinapanatili ng Bitcoin Profit ang karapatan na pamahalaan ang lahat ng nilalaman ng website nito, kabilang ang Pahayag sa Pagkapribado na ito, mayroon man o walang paunang abiso sa customer. Dapat na palaging suriin ng mga gumagamit ng site ang pinakanapapanahong mga pagbabago sa patakaran. Ang iyong patuloy na paggamit ng Bitcoin Profit at mga subsite nito ay bibigyang kahulugan bilang pahintulot sa lahat ng mga pagbabago ng nilalaman.
Kung mayroon kang anumang mga tanong o nangangailangan ng mga paglilinaw tungkol sa Pahayag sa Pagkapribado na ito, maaari kang mabilis na makipag-ugnayan sa aming mga kasoosyo sa pamamagitan ng Contact form. Kami ay narito at aasikasuhin ang iyong kahilingan sa pinakamaagang panahon hangga’t maaari.